Interview Mula Kay Marvin Buenaventura Ako po si Marvin Buenaventura. Ako po’y lubos na gumagalak ipamahati ang aking karanasan sa paghahanap-buhay sa ibang bansa. Marahil ay nagtataka ang iba sa inyo kung bakit ko ito ginagawa. Isang mensahe lang naman ang gusto kong ipahatid sa inyo. Lahat tayo ay may kanya kanyang pananaw sa buhay. Desisyon natin ang nagdadala sa buhay natin. Ginagawa natin ang mga bagay bagay dahil ginusto natin ito. Kung meron man tayong pagsisi sa ating mga nagawang bagay, huwag natin itong hayaang makasira sa ating mga plano sa buhay. Dito po natin masasaksihan ang aking mga pinagdaanan nung ako'y namamasukan bilang isang empleyado sa Amerika. Nung ako po’y nasa Pilipinas pa lamang noong taong 1997 isa lamang po akong hamak na estudiyante sa Torres High School. Dahil sa menor pa lamang ang edad ko, hindi po ako binigyan ng akong magulang ng pagkakataong makapag-trabaho. Nasa Amerika po ang aking ama nuong taong yun. Siya po ay residente dun simula pa nung 1989. Penitisyon niya po kaming magkakapatid at ang aking ina nuong 1993. At matapos ang apat na taon dumating ang mga papeles na dapat lakarin tulad ng “affidavit of support”, at “VISA”. Masayang masaya ang aking ina nuong mga oras na yun subalit ako naman po ay nanlalata sa kalungkutan dahil hindi ko po kagustuhan ang pag-punta sa ibang bansa. Ayaw ko po kasing iwanan ang aking kasintahan. Napilitan po akong sumama sa aking pamilya papuntang Amerika dahil ayaw ko pong magalit sa akin ang ama ko. Pagkadating naming sa Amerika, agad po akong namasukan bilang isang estudiyante sa “Polytechnic High School”. Naghintay po ako ng apat na taon bago makatapos ng “high school”. Pagtungtong ko po sa kolehiyo nuong 2001, naghanap po ako kaagad ng trabaho para hindi ko na po iasa sa aking magulang ang mga pangangailangan ko. At nang sa gayun din po ay nakakatulong din po ako sa kanila. Ako po ay kumukuha ng "BS Nursing And BS Computer Science". Nag-aplay po ako sa isang kompanya na may pangalang "CUTCO". Isa po itong kompanya na nagpo-"promote" ng mga gamit sa kusina gaya ng mga kutsilyo, kawali, siyansi atbp. Bilang isang namamasukan, ang katungkulan ko po ay ang gumawa ng demonstrasyon sa mga kliyente o "costumer" kung gaano kagaling at katibay ang mga pino-"promote" naming gamit sa kusina. Nakapasa naman po ako sa "interview" at sa mga "training" at ako'y natanggap sa trabaho. Hindi ko naman po pinagsisihan ang pamamasukan sa kompanyang ito dahil ako po'y kumikita ng dolyar kada kliyente. Hindi na masama para po sa isang estudiyanteng tulad ko. Ang problema lamang po ay kung walang kliyente, wala ring kikitain. Bihira lang naman po kasi ang mga taong may interes sa mga produkto namin. Maganda rin po ang tungkulin ko sa kompanyang sapagkat ito po ay nakakapagpahasa ng aking pakikipag-komunikasyon sa mga tao. Hindi nagtagal at iniwan ko po ang kompanyang ito dahil sa aking "schedule" sa kolehiyo nung pangalawang "semester" nung "first year". Prayoridad ko po ang aking pag-aaral kaya napilitan po ako ulit maghanap ng trabaho na magkakasya sa aking "schedule". Sa aking paghahanap ng bagong trabaho, nabasa ko po sa isang anunsiyo sa dati kong paaralang "Polytechnic High School" na nangangailangan sila ng isang " part-time computer lab assistant". Nung malaman ko po yun, agad po akong "nag-inquire" sa loob ng paaralan at nag-aplay. Nagkataon po na ang isang dati kong guro na si Mr. Flenner ang taga-pamahala at "employer" sa mga aplikante. Siya po ang aking dating guro sa "Computer Science And Technology". Isa po ako sa nanguguna sa klase niya nuon. Dahil po sa dati akong "Valedictorian" ng aming paaralan at dating estudiyante niya, napasa ko po agad interview niya at ang mga kuwalipikasyon ng isang "computer lab assistant". At dahil po sa ako ang "best candidate" sa trabaho, ako po ang nakapasok sa trabaho. Nung araw din na yun na nag-aplay ako ay nagsimula na akong mag-trabaho. Malaki rin po ang naging katungkulan ko sa pagiging "computer lab assistant". Ako po ay nag-iinspeksiyon ng mga "computers" para siguraduhin na wala itong mga problema at magagamit ng maayos ng mga estudiyante. Obligasyon ko rin po ang mag-ayos ng mga"computers" kung sakaling masira ito ng mga estudiaynte sa pag-gamit. Sinusuri at binabantayan ko rin po ang mga estudiyante habang gumagamit ng mga "computers" ng sa gayun ay wala sa kanila ang lalabag sa pag-gamit nito. Ang sinumang lumabag sa pag-gamit ng mga "computers" ay dapat ipaalam sa kanilang "adviser" o guro na namamahala sa kanila. Nag-bibigay din po ako ng mga leksiyon sa mga estudiyante tungkol sa pag-gamit ng iba't ibang "programs" sa "computer", sa pag-gamit ng "internet", at sa mga gusto nilang malaman sa "computer". Masaya naman po ako sa bago kong trabaho sapagkat bukod sa nakakatulong na po ako sa mga estudiyante, nakakadagdag pa po ang ako ng kaalaman ko sa "computers". Ako po ay kumikita dito ng dolyar kada oras. Hindi na po masama para sa isang "part-timer". Pinili ko rin po ang trabahong ito dahil hindi po ito nakakasagabal sa aking "schedule" sa kolehiyo. Makalipas ang anim na buwan at biglang kinulang ang badyet ng "Polytechnic High School". At dahil po dito, nawalan ng ipapasahod ang mga "employers" sa kanilang mga empleyado. Dahil po sa isa ako sa mga empleyado, napilitan po silang paalisin ako o "i-lay off" sa aking posisyon. Hindi po nila ako gustong tanggalin sa trabaho dahil sabi nila ay mahusay ako at maganda ang aking "performance" sa aking ginagawa. Kaya lang po ay kailangan na talaga nilang mag-alis ng ilang empleyado dahil yun laman g po ang tanging solusyon. Pagkatapos ng mga pangyayaring ito ay naghanap po ulit ako ng mapapasukan. Makaraan ang isang buwan ay biglang natigil ang paghahanap ko ng trabaho ng bigla na lamang akong sinama ng aking ina sa kompanyang pinapasukan niya. Pinag-suot niya ako ng "professional attire". Nung tinanong ko po sa kanya kung bakit niya ako pinag-suot ng ganung pananamit, sinabi niya po sa akin na subukan ko kaw mag-aplay sa kompanya nila dahil sa napansin niya na wala na kong trabaho. Ang kompanyang pinapasakun ng aking ina ay isang "title company" na may pangalang "FIRST AMERICAN TITLE COMPANY OF LOS ANGELES". Pagkadating po namin sa kompanya nila, agad niya po akong pinalapit sa kanilang tagapamahala na si Mr. Wilson. Pinapasok po ako ng tagapamahala sa kanyang opisina at pinaupo niya ko. Nalaman ko na lang po na isang "interview" na pala ang nagaganap sa akin. Tinanong niya po ako kung anong posisyon sa kompanya nila ang gusto kong pasukan. Sinabi ko po sa kanya na gusto ko pong mamasukan bilang isang "office or title assistant". Sumang-ayon naman po siya sa kahilingan ko. Nakapasa naman po ako sa "interview" at tanggap na po ako sa kompanya. Natuwa po sa akin ang aking ina dahil may trabaho na naman ako. Kinabukasan din pagkatapos ng "interview" ay pinagsimula na akong pumasok sa posisyon ko. Ang mga obligasyon at tungkulin na binigay sa akin ay ang mga pagtulong sa mga "title officers", pag-kopya ng mga importanteng dokumento, ang pag-papadala ng mga "orders" sa "land owners". Obligasyon ko rin po ang mag-asikaso ng mga "orders", at ang "mag-type" ng mga "deed of trust". Maganda rin po ang napasukan kong trabaho sapagkat ang kompanyang ito ay isa sa mga popular at maunlad na kompanya sa "Los Angeles". Ako po ay kumikita dito ng dolyar kada oras. Mataas ng konti ang kinikita ko rito dahil meron po akong karanasan sa mga dati ko pong trabaho. Isang "asset" at "advantage" po yun para sa akin. Masaya po akong nag-hahanap buhay sa kompanyang ito at ako po ay umaasang mag-tagal, umunlad at tumaas ang posisyon. Sa aking mga naging karanasan sa pag-tatrabaho sa Amerika, ang masasabi ko lang po ay nagkaroon po ako ng maraming "benefits" gaya ng pagkakaroon ng "medical insurance" at "life insurance". Marami ring oportunidad na nagpapa-unlad ng ating buhay tulad ng pag-taas ng sahod at ng posisyon habang tumatagal. May pagka-komplikado ang buhay sa Amerika dahil sa dami ng oras na nauubos ng mga tao dun sa pag-hahanap buhay. May ibang tao dun na nag-hahanap ng pangalawang trabaho dahil hindi sila kontento sa kinikita nila o maaring gusto lamang nilang mag-karoon ng dagdag na salapi sa bulsa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit halos nawawalan na ng oras ang ibang tao sa pag-lilibang o maaring sa kanilang pamilya. Lahat po ng mga minoridad tulad nating mga Pilipino ay nakakapag-trabaho ng malaya at maayos sa Amerika dahil po sa pinagbabawal ang diskriminasyon sa ibang lahi. Tayong mga Pilipino ay may mga katangiang dapat ipagmalaki tulad ng pagiging masikap, matiyaga at ang pagiging magalang na makakatulong sa atin sa pagpapaunlad ng ating buhay. Maraming ibang lahi ang humahanga sa mga katangian nating ito at lumalabas din itong isa sa mga dahilan kung bakit madaling makahanap ng trabaho ang mga Pilipino sa ibang bansa. Isa rin po sa mga "advantages" ng mga mang-gagawa sa Amerika ay ang pag-kita ng malaki kumpara sa kikitain diyan sa Pilipinas. Pero hindi po nangangahulugan na mas maganda ang buhay dun kaysa dito sapagkat naniniwala po ako na ang pamumuhay nating mga Pilipino ay hindi nakasalalay sa mga materyal na bagay tulad ng salapi. Ito ay nakasalalay sa ating kanya kanyang pamamaraan ng pamumuhay. Hanggang dito muna lamang po ang aking ipamamahati sa inyo. Maraming salamat po sa oras niyo! Ako po'y umaasang mag-lingkod muli sa inyo.
|